K R I T I K N G D U L A
Kritik ng dulang: Unang Ulan ng Mayo
Itinanghal noong: Oktubre 9, 2008
Sa: CSB SDAB
1. Iugnay ang pamagat ng dula sa kabuuang paksa
---> Sa opinyon ko, ang ugnayan ng pamagat ng dula sa kabuuang paksa ay para kasi sa pamilyang Kalipay, madaming hindi inaasahang pangyayari ang nangyayari kapag dumating na ang unang ulan ng mayo. Sinasabi din na maraming himala at milagro ang nangyayari sa panahong ito. Isa sa mga pangyayari ay ang pagaasawa ni Leon. Kaya sa dula, hindi nila inaasahan na magbabago si Victor at nakahanap siya ng sariling kasiyahan. Para din sa akin, iba ang naging resulta ng pagdating ng unang ulan ng mayo sa pamilya ni Leon dahil puro masasayang mga pangyayari ang naikwekwento ni Leon sa mga nakaraan. Parang nagdulot pa ng pighati at lungkot sa pamilya ang unang ulan ng mayo ngayon. Isa na din dito ang pag kakaroon ng anak sa labas si Leon. Pare-pareho itong nakasira sa pamilya niya.
2. Ilarawan ang akting at teknikal na aspekto ng pagtatanghal
---> Natuwa ako at nabigla sa akting ng mga nagsipaganap. Hindi ko inakala na magmumukhang propesyonal ang kanilang akting. Ang maganda sa dula ay kahit na nakatalikod ang aktor o ang aktres, makikita mo parin at mararamdaman ang emosyon na gusto nilang ipahiwatig. Wala ka ding makikitang bakas ng kaba sa mga nagsipaganap. Parang nanunod kami ng mga tao na natural ang kilos at ang pagsasalita. Ang ibig kong sabihin ay hindi halata na sila umaarte. Maayos ang casting at kahit na medyo may mga eksena na x-rated, maayos at walang malicia nila itong pinapakita. Nasa akting kasi ang kagandanhan ng isang dula. Isa ding maganda sa play na ito ay walang parte na boring at nakaantok dahil bawat parte ay puno ng kasiyahan, katatawanan at drama. Maganda din ang ginawa nilang mga "butterflies" kuno ang nasa stage habang hindi pa nagsisimula ang dula. Pampaalis din kasi ito ng paghihintay ng mga tao at dahil sakanila ay maayos ang pagpapalipat lipat ng mga props. Ang negatibo lang na masasabi ko ay minsan kapag madaming sabay sabay na nagsasalita, hindi mo naririnig ang iba kasi nagkakapatong patong ang mga sinasabi nila. Minsan naman, kapag nagkakaroon ng parte na sumisigaw ang audience dahil kinikilig o kung ano man, nagsasalita na agad ang aktor/aktres kaya hindi din sila naririnig.
---> Pagdating naman sa teknikal na aspeto, pinupuri ko sila dahil maganda ang timing nila sa sound effects at sa pagpatay at pagbukas ng mic ng mga nagsisipaganap. Pinupuri ko din sila sa light effects dahil dahil sa ilaw, makikita mo ang parang aura ng isang eksena.Ngunit, maliit ang stage kaya minsan ay makikita mong nagsisiksikan ang mga artista. Dapat ginawan nila ng paraan ang dami ng mga artista para sa stage.
3. Ilarawan ang lenggwahe ng dulang pinanuod. Efektibo ba ito sa paghahatid ng mensahe?
---> Maayos ang pagkakadeliver ng mensahe ng mga artista sa audience. Sa pagsasalita nila, mararamdaman mo ang kalungkutan, kasiyahan, ang pagmamahal o ang galit. Maganda kasi nilang pinapalabas na punong puno ng pagmamahal ang isang tao dahil lang sa kanyang sinasabi. Parang nung sinabi ni Efren kay Victor na "iniibig kita", sa paraan niya ng pagsasabi, masasabi mo na talagang puno ng pagmamahal si Efren. Kapag wala namang sinasabi ang artista, makikita mo naman sa galaw niya o sa itsura ng kanyang mukha ang gusto niyang iparating. Kahit hindi sila nagsasalita, malalaman mo kung galit itong taong ito o kung may dinaramdam man. Efektibo din ito sa paghahatid ng mensahe.
** Sa kabuuang asesment ng dula, masasabi ko na isa ito sa mga dulang matatamaan ka sa puso dahil makikita mong realidad ang ipinapahiwatig nila dito. May mga ganitong bagay ang nangyayari sa ating paligid. Wala lang siguro tayong namamalayan. Kahit naman na maganda ang ipinapahiwatig ng dula, kung walang kwenta din ang mga nagsipaganap, wala ding mangyayari. Pero sa dulang ito, maayos na nailahad ng mga artista ang gusto nilang iparating.
No comments:
Post a Comment