Tuesday, November 11, 2008

Epiphany 8: another FILDLAR crap.

K A T I W A L I A N


1. kabahagi ng individual na mamamayan sa katiwalian

-- Araw araw, sangkot ang iba't ibang mga tao sa katiwalian. Hindi kailangan maging politiko o miyembro ng gobyerno para lamang makagawa ng katiwalian. Ang mga ordinaryong tao lamang, sa araw araw na pamumuhay, ay nakakabahagi sa katiwalian. Katulad nalang ng mga drayber. Kapag nahuli sila ng mga pulis, ang para lamang makatakas o makaalis ay nagbibigay sila ng suhol. Hindi ito tama dahil dahil dito, nasasanay ang mga pulis na may matatanggap na pera sa bawat tao na kanilang mahuli. Minsan naman, sa sobrang pangangailangan, humahanap ng bayolasyon ang pulis sa kaniyang nahuli para lamang makakuha siya ng pera. Hindi lang pera ang pwedeng isuhol. Pati mga isda at mga manok ay gingamit na ding pang bayad. Kahit mga maliliit na barangay ay nagkakaroon din ng katiwalian. Katulad nalang ng isang barangay sa Quezon City na ginawang paupahan na ang barangay center. Totoo naman na magkakakita sila dito at dadagdag ang kanilang pondo.

2. mukha o anyo ng katiwalian sa pamahalaan

-- Ang NSO at ang DFA ay mga ahensya ng pamahalaan na halos araw araw din ay may mga katiwalian na nagaganap. Madaming tao ang nagpupunta sa NSO at DFA. Halos lahat naman kasi ay nangangailangan ng trabaho. Madami na din ang mga nag-aantay buong araw para lang masilbihan ng NSO at DFA. Malas mo nalang kung biglang masira ang system nila at nasayang ang lahat ng pagod mo kakaantay. Dahil dito, nagkalat ang mga fixer sa labas ng DFA at NSO. Nagpupunta ang mga tao sa mga fixer upang mapadali ang pag-aayos ng mga papeles na kailangan nila. Kung aabutin ng isang linggo sa NSO o DFA, sa fixer, umaabot lamang na isang araw. Madami na nga ding nagsasabi na kahit mahal ang singil ng mga fixer, okay lang naman dahil mabilis lang naman ang pagproseso ng mga papeles. Lahat ng mga nakukuhang pera ng mga fixer ay naibabahagi nila sa mga tao sa gobyerno. Kaya dagdag ito sa korupsyon ng gobyerno. Pareho din ito

No comments: